Higanteng Christmas Tree
Tacloban City, Leyte – para mapa-igihin ang tunay na pasko ng mga Taclobanons, isang 60,000 halaga na Christmas Tree sa Plaza Rizal ay ipinailaw noong gabi ng Mierkules (Nobyembre 28) sina Mayor Alfred Romualdez, asawa niya na si Councilor Christina Romualdez at ang Leyte Vice-Governor Mimiet Bagulaya na nagumpisa ng pag-ilaw ng Christmas tree.
Ang seremonyang pagpapa-ilaw ay isinaksihan at pinanooran ng daang daang mga Taclobanon. Sa makatwid, ang mga tao ay sumabay na nagbilang bago ito inumpisahang paliwanagin.
Mahigit 1,300 na makukulay na bituwin ang nakabalot sa 53ft. Christmas tree na nakapwesto sa gitna ng Plaza Rizal habang si Mr. Snowman at mga regalong pamasko ay katatagpuan sa ilalim ng higanteng Christmas tree at tiyak na makikinggan mo ang mga awiting pamasko na patuloy na tumutogtog.
Sa isang panayam ni Konsehal Christine Romualdez, sinabi niya na ang Christmas tree na ito ay nangangahulugang pagkakbigkis ng mga tao sa Tacloban. Naging masaya siya dahil nakita niya ang proyetkong ito na ipinamunuan niya ay naisakatuparan.
Mayor Alfred Romualdez sa isang palad ay nagsabi na ang Siyudad ng Tacloban ay umuunlad at kelangan nating ipakita sa mga tao na pwede tayong magkaisa, ang malaking Christmas Tree ay isang simbolo ng pagkakaisa.
Ang punong ito ay hindi lamang nakapasigla sa mga Taclobanon sabi niya, ito din ang nakapagudyok sa mga taong bilibid sa Lungsod ng Tacloban na gumawa ng mga parol na ito at nakapagmunini sa pinagkakakitaang proyekto.
Kabalantay sa malaking Christmas tree, makikita ang ibat-ibang proyekto na ginawa ng mga taong nasa bilibid na nakabenta. Makikita ang mga nakadispley na mga katulad ng magandang nakahiwang kahoy na lalagyan ng lechon, mga bandehado para sa prutas, parols at marami pang pa.
Ang seremonya ng pagpapaliwanag ng Christmas tree ay inialinsabay ng Division Heads ng City Government kasama sina City Administrator Jim-jim Yaokasin, at mga empleyado ng mga ibat-ibang Ahensya ng Gobyerno, istudyante mula sa iba’t ibang eskwelahan at ang mga pamilya din. Ito ay iwinakas ng mga makukulay na pabuto sa alapaap ng Plasa.
Ang mga Taclobanon ngayon ay pwede nang mamasyal dito sa gabi at panoorin ang higanteng Christmas Tree sa Plasa Rizal.
-by Gay B. Gaspay

