Misa de Gallo

Isang tradisyon ng Pasko sa Pilipinas ay ang 9 na araw ng Simbang Gabi na nagsisimula sa Disyembre 16. Ito ay ang itinatawag na Misa de Gallo (Misa ng Manok) sa tradisyong Espanyol, at ang mga misang ito ay popular na tinatawag na Simbang Gabi. Ang simbang Gabi ay ang pinaka imporanteng tradisyon ng mga Pilipino.

Ang 9 na araw ng misang ito ay itinuturing nobena sa mga Katoliko at Aglipayan. Ang pananampalataya at pagkukumpleto ng prebado o publikong debosyon ay isinasagawa ng mga Roman Katoliko sa paniniwala na makukuha ang kanilang inihihinging espesyal na grasya mula sa panginoon.

Sa karamihan ng mga simbahan, ang simbang gabi ay nagsisimula ng 4:00 sa umaga. Ang pagsisimba sa kaagahang ito ng 9 na araw ay itinuturi ng mga Pilipino debosyon at pagpapakita ng tunay na pananmpalataya sa Panginoon.

Pagktapos ng bawat misa, ang mga Pilipino ay naghahanda ng masarap na tradisyonal na Paskong pagkain sa BREAKFAST sa bahay o bumibili mismo sa labas ng simbahan na kung saan makikita mo na may nagbebenta tulad ng mga bibingka, puto bumbong, salabat at tsokolate.