Ang Hill 120 ay matatagpuan sa Dulag, Leyte na may 34 kilometro ang layu sa Tacloban City. Madalas itong tawaging Catmon Hill, dito naunang nagtayo ang mga amerikano ng kanilang bandila ayon sa Liberation Force ng Sundalong Amerikano noong Oktubre 20, 1944 pagkatapos ng Fall of Bataan. Dito rin matataguan ang lugar ng pinangyarihan ng giyera sa lambak ng Leyte. Makikita mo dito ang panoramang tanawin ng Leyte Gulf at ang bayan na nasa may gilid ng baybayin; magandang hardin na may mga tropikal na bulaklak at mga pananim; mahabang upuan; kungkretong mesa na may kulandong; banyo; at stage na kung saan dinaraos ang makasaysayang pangyayari.
Merong isang malaking monumento na hugis helmet sa may 96th Infantry Division, at ang ibang amerikanong sundalo ay nasa ibabaw ng burol. Sa ibabaw ng burol ay merong makikitang bantayang tore at ang kahanga-hangang tanawin sa ibabaw ng Leyte Gulf patungong silangan.
Mayroon kang makikitang isang maliit na Japanese commemorative plaque memorial na matatagpuan sa ibabaw ng lambak na naka-alay para sa mga Pilipino, Hapon at Amerikano na namatay sa digmaan at para sa kapayapaan ng mundo at pagkakaibigan. Ito an inilaan noong Enero 8, 2003 ni Mr. Sasaki Tatsuo, Akita City at Mr. Nagamine Katsuro Nagano Ken, Japan. Na matatagpuan sa tabi ng memoryal ng hapones, sa itaas ng lambak ay may simpleng puntod na isang di nakikilalang Amerikanong sundalo.