Hill 522
Ang Hill 522 ay kilala din sa tawag na Guihangdan Hill, galing sa salitang “hangad” na nangangahulugang pagtingin sa taas (522 talampakang pataas), ito ay ang entrada sa pinakaunang malayang poblasyon ng Palo noong 1944 pagkatapos nitong binombahan ng malakas para sirain ang mga garison na ginawa ng mga Hapon yunit na mga artilerya; makikita pa rin dito ang mga lungga na ginawa ng mga hapon sa ilalim ng maliit na bundok na ito; isang monumento ang itinayo dito na gawa ni Mie Prefecture.
Ang Ginhangdan Hill ay matatagpuan malapit sa ilog na ang tawag ay Bangong, kung saan ang La Purisima shrine ay itinayo. Ang shrine na ito ay itiayo noong 1887 ng mga Espanyol para mapaalis ang mga masasamang ispiritu na pinaniniwalaang nagdudulot ng mga aksidente and pagkamatay sa teritoryo. Ang Hill 522 ay nagbibigay ng magandang tanawin ng Leyte Gulf kasama ang part eng timog kanluran ng Leyte. Nakakapagbigay din ito ng mga taimtim na saglit para sa repleksyon ng mga grupong manaliksik.

