Ang Syudad ng Tacloban

Ang syudad ng Tacloban ay nagsimula sa isang munting baryo sa Basey, Samar, isang lugar ng mga mangingisda. Ang salitang Tacloban ay hango sa salitang "Taklub", isang parang basket para sa panhuhuli ng mga isda. Ang siyudad ng Tacloban ay sya ring kapital na siyudad ng Leyte. Itong lugar ay naging malaking kalakalan noong 18th century. Ang siyudad ay kilaladu rin sa kanyang naging papel sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang pagiging malaking base militar ng pwersa ng mga Amerikano at ang una ring bayan na napalaya ng pwersa ni Heneral Douglas MacArthur laban sa pwersa ng Imperyo ng mga Hapon. Sa mga panahon na iyon habang ang Maynila ay nasa kamay pa ng mga hapon, pansamantala ay naging kapital muna ang Tacloban ng Plipinas.

Noong Mayo, 25, 1942, ang pwersa ng Hapon ay sinakop ang Tacloban at doon nagsimula ang tatlong taong paninirihan sa Leyte. Ang pwersa ng Hapon ay kinupkop ang Tacloban at pinabuti ang kanilang mga paliparan at itinayo nila ang San Pedro Bay para sa daungan at para makapasok ang mga pandagat na pwersa ng Imperyo ng mga Hapon. Sa panahon na mga Hapon dito sa Pilipinas, maraming mga gerelya ang nubuo at isa sa mga sikat dito ay ang grupo ni Colonel Ruperto Kangleon.

Noong Oktubre 20, 1944, Si Heneral McArthur at ang kanyang mga sundalo ay dumaong sa baybay ng mga dagat ng Tacloban at Palo (White Beach and Red Beach) at sa mga karapit na lugar ng dulag (Blue Beach) at ang mga napalayang mga tao sa Leyte mula sa mga pwersa ng Hapon.

Noong Oktubre 23, 1944, Si Heneral MacArtur at sa pakikisama ni President Sergio Osmeņa ay pansamantalang ginawa ang Taloban na Kapital ng Commonwealth Government hanggang sa huling liberasyon ng bansa. Kilaladong mga landmark ay ang Joseph Price Mansion kung saan ay ito ang naging himpilan ni Heneral MacArthur at ang Redoņa Residence. Itinatag muli ang municipal government ng Tacloban at ang provincial government ng Leyte. Si Atty. Paulo Jaro ay naging Mayor ng Liberasyon ng Tacloban at Mr. Epifanio Aguirre ay naging unang mayor sa pagtatatag ng Republika ng Pilipinas.

Palo

Ang bayan ng Palo ay ang pinakamakasaysayang lugar sa Leyte. Kilala ito dahil dito dumaang si Heneral Douglas MacArthur kasama ang mga sundalong Pilipino at mga Amerikano pagkatapos ng digmaan noong 1944.

Hill 522, isang burol ang mkikita malapit sa sentro ng Palo, dito ang lugar kung saan ang matinding labanan ang naganap sa pwersa ng mga Kaalyadong Amerikano at ng pwersa ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Cathedral ng Archdiocese, makikita sa kanan ng Municipal Hall ng Palo, ay ginamit na ospital para sa mga nasugatang Pilipino at Amerikanong sundalo. Ngayon, Isang memoryal ang nakatayo sa baybay na kung saan dumaong ang si Hineral MacArthur at ang kanyang sundalo, Tinatawag ito ditong "MacArthur Park".

Dulag

Ang bayan ng Dulag ay ika-apat na municipality sa probinsya ng Leyte dito sa Pilipinas. Ito ang pinakamalaking baybayin sa silangan ng Isla ng Leyte, kaharap nito ang Karagatan ng Leyte papunta ng Pacific Ocean. Ayon sa 2000 census, umaabot sa 38,897 ang populasyonat mayroong 7,657 naninirahan.

Ang bayan ng Dulag ay katabi ng Tolosa nasa hilaga, Mayorga nasa timog at Julita na nasa kanluran. Ang bayan Dulag ay mayroong dalawang ilog, ang Dagitan papuntang timog at Kalbasag papunta namang hilaga.

Tolosa

Tolosa is a 5th class municipality in the province of Leyte, Philippines. According to the 2000 census, it has a population of 14,539 people in 2,963 households.

Ang bayan ng Tolosa ay siyang naging lugar ng digmaan noong si Heneral MacArthur ay dumaong na sa Leyte. Hangang sa puntahan na ng maga Chinese scrap metal merchants noong dekada 70. Ay mayroon paring shell ng mga nawasak na LST. Mayroon ding mga pangalan ng sundalo na naka-ukit sa puno. Iyon ay nawasak sa pagmimina.