- Mga Paputok at Pampa-Ingay sa Bagong Taon
Ilang araw bago mg Bagong Taon, marami kang mkikita na mga bangketa na naglalako ng mga iba’t-ibang klase ng mga
paputok. Dahil sa mga naii-ulat na mga aksidente, pagkawala ng kamay, pag-aari at ng mga buhay dahil sa paputok at mga kagamitan sa perotekniko, tauntaon ay ipinagbabawal ito. Pero kahit na, marami paring mga Pilipino ang isinaalang-alang ang pagpapaputok dahil sa tradisyon sa pagbati at ipagdiwang ang Bagong Taon.
Maraming klase ng mga paputok na makikita sa merkado at ang mga ito ang tinatawag ng mga Pilipino na “paputok”, mga halimbawa ditto ay ang Rebentador, Super Lolo, Super Pla Pla, Triangulo(Hugis tatsulok na paputok), Bawang, Sinturon ni Hudas(Judas Belt), Jumbo Fountain, Whistle Bomb, ang mabentang paputok ay isa na rito ang Baby Rockets(Kuwitis), Luisis, Watusi, Bulalakaw(Comets).
Ang pinakamalaking industrya sa larangan ng mga paputok sa Pilipinas ay matatagpuan sa Bocaue at Santa Maria Bulacan, sa kanila kumukuha ang pangangailangan ng paputok dito sa Pilipinas. Kamakailan lang, ang mga local na tagagawa ng mga paputok ay gumagawa rin ng nakapagpapasiglang panghimpapawid na mga paputok. Sa Pilipinas, ang mga paputok ay hindi pa masyadong makikita sa mga panghimpapawid na palabas, kahit na ang mga industrya sa larangan ng mga paputok sa Pilipinas ay humigit kumulang isang siglo na.
Ang araw ng December 31 ay araw na kung saan abalng-abala ang mga pamilyang Pilipino, dahil sa ito ay hindi opisyal na pampublikong pahinga sa Pilipinas. Ang mga tao ay abala sa paghahanda ng pagkain para sa media noche, daragsaang bumibili ng mga paputok para sa preperasyon sa gabi ng selebrasyon ng Bagong Taon. Ito ang pinakamahusay na panahon sa taon na kung saan ang mga kabataan ay masayang iniihipan ang kanilang mga torotot. Ang mga toroto ay mayroong iba’t ibang mga sukat, hugis at kulay, isang replika ng “trumpet”, isang istilong Pilipino.

