Wika:   asd  asd
     
Impormasyon Mga Larawan Lokasyon
 
         
Palo Metropolitan Cathedral
Ang Palo Metropolitan Cathedral ay itinayo noong 1596, sa pamamahala ng mga Jesuits na nagtatag sa Palo. Pero noong 1843 pinamahalan ito ng mga Augustinians at Franciscans. Bagamat ang mga Augustinians ang nagpakalat nga Katolosismo sa lugar, ang mga Jesuits na sila Padre Juan del Ocampo at Padre Alonso de Humanes ang nagturo sa mga katutubo nga Ebanghelyo at sa kalaunan ay biniyagan, tinuruan din ang mga batang bumasa, sumulat, magdasal, kumanta at gumamit ng plauta. Pagkatapos isang Jesuit ay nagging permanenteng Parish Priest na nagging instrumento sa pagkakaisa bilang isang komunidad ang mga bininyagan ni Padre Humanes. Nagging matagumpay siya sa kanyang mga ginawa na kahit
na mga pagano ay na ibahin sa katolisismo. Noong 1600, ang Palo ay nagging central missionary station na sumasaklaw sa misyon sa Dagami, Malaguicay, Malirong at Banabon. Pinaayos ang katedral ni Padre Augustin at itinayo ang dalawang tore noong 1850. Dinagdagan ni Padre Panteleon dela Fuente ng kagamitan sa perang napanalunan niya sa lotto sa Espanya, ikinabit niya ang isang relo sa façade noong 1896. Idiniklara itong katedral noong ika 25th ng Marso, 1938 ni Msgr. Manuel Mascariñas, ang unang Obispo.
 
Ang Katedral ay ginawa rin na ebakwasyong ospital ng American Liberation Force at panganlong sa mga sibilyan noong World War II, Oktubre, 1944 hanggang Marso, 1945. Ang hinabing gintong altar ay isang halimbawa ng makabagong arkitektura ng gothic na simbahan, ang hinabing gintong altar na may 17 siglo na, ay ang pangunahin nitong atraksyon. Ang istasyon ng kros ay ginawa ng mga lokal na eskultor. Sa loob ng patyo ng simbahan ay isang esplande na ginagawang tagpuan ng mga tao bago tumakas. Sa isang daanan sa Spanish Wall ay isang simbolo ng Jesuit Order, na nagsasabi na ang katedral at ang mga pader nito ay ginawa ng mga Jesuits.
 
Cathedral converted into evacuation center. During World War II
   
Ang Palo ay kilala bilang isa sa mga maksaysayang bayan ng Leyte. Ang bayan ng Palo ay kinikilalang sentro ng Kalosismo sa probinsya ng Leyte. Ang opisina ng ecclesiastical government sa Archdiocese ng Palo, ang tirahan ng arsobispo, at ang theology seminaries sa archdiocese ay matatagpuan sa Palo.
   
Palo Metropolitan Cathedral © Copyright @ Tarantula 2008 - Webmaster