Wika:   English  Tagalog
 
 
Impormasyon

Ang San Juanico Bridge ay ang pinakamahabang tulay ng Pilipinas, na may habang 2km. Tinatawid nito ang San Juanico Strait, na tumutulay sa isla ng Samar at Leyte. Kilala din itong Marcos Bridge, sinasabi na ito raw ay regalo at "Testimonya ng Pag-ibig" ng Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos sa Unang Ginang, Imelda na taga Leyte.

Dinudugtong nito ang syudad ng Tacloban sa bahagi ng Leyte at bayan ng Sta. Rita sa bahagi naman ng Samar. Meron itong magagandang tanawin lalo na ang San Juanico Strait na may libo-libong whirl pools at maliliit na isla. 

Meron itong mahigt kumulang 10 minutong byahe galing Tacloban at ito'y pwedeng masakyan ng jeep, bus, motorcab, o prebadong sasakyan. Ang pagtayo ng $21.9 na milyong tulay ay sinimulan noong 1969, at natapos pagkalipas ng apat na taon.
 
               
     
 
               
                 
 
© Tarantula 2007 San Juanico Bridge