Ang Tacloban ay umunlad sa isang baryo ng mga mangingisda sa Basey, Samar. Ang salitang Tacloban ay hango sa salitang “Taklob” na isang basket para sa panghuhuli ng mga isda. Ang bayang ito ay naging malaking sentro ng kalakalan noong 18th century. Ito rin ay naging kilala dahil sa ginampanang papel noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at dito rin nagtayo ng base-militar ang pwersa ng mga amirikano at ang bayang ito ay ang unang napalaya mula sa mga Japanese Imperial Forces. Ito rin ay naging pansamantalang kapital ng Pilipinas habang ang Maynila ay nasa kontrol pa ng mga Hapon.

Sa syudad na ito ay nanggaling ang dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Marcos, na kung saan ang Romualdez Family ay kontrol pa ang malaking politiko sa mga nasasakop na lugar.

Noong unang panahon na kung saan ang Tacloban ay isa pa lamang baryo ng Basey, Samar. Tinatawag ito “kankabatok” – na ang ibig sabihin ay pagmamay-ari ng kabato, dahil ang prominenting naninirahan ay kabatok. Ang pagpapalit ng pangalan ay naging ganito: Ang lugar ng kankabatok ay paborito na palaisadaan ng mangingisda. Gumagamit sila ng “Taklob” para makapanghuli ng mga alimango o hipon. Kapag tinatanong ang mga mangingisda kung saan sila pupunta, ang sinasagot nila ay, “sa tarakluban” na ang ibig sabihin ay, sa lugar na kung saan gumagamit sila ng “Taklob” para makahuli ng alimango o hipon. At lumipas ang panahon ang pangalan ay pinaikli at ginawang Tacloban.

Kakaunti lang ang nakaka-alam kung kailan naging municipality ang Tacloban dahil ang mga dokumentong nakapagpapatunay ay nasira ng bagyo. Pero marami ang naniniwala na ang Tacloban ay opisyal na na-iproklamang municipality ay noong 1770. ang iba naman ay noong 1669. Ang mga Augustinian mission sumunod ang mga Franciscan ang nagpamulat ng interes ng relihiyon sa Tacloban. Sa loob ng isang taon ang unang simbahan ay naitayo dahil sa walang kapagurang pagsusumikap ni Fray Aniceto Corral.

Ang bayan ng Carigara ay ang kapital ng Leyte noon. Si Don Hipolito Gonzales na siya namang alkalde mayor ng probinsya. Noong ika-5 ng Oktubre 1774 pagkatapos maipatayo ang Casa Real at kulungan, ang paglilipat ng panibagong pinuno sa local na gobyerno ay opisyal na naaprobahan. Noong 1824, si Don Pedro Antonio na naging alkalde mayor ay naibalik ang Carigara bilang kapital ng probinsya. Noong ika-31 ng Marso 1824 ay umupo naman sa pwesto si Don Ceferino Fernandez noong 1827.

Noong ika-16 ng Pebrero 1830 ay ang huling naaprobahan ang Tacloban bilang isang kapital sa probinsya ng Leyte. Ang mga rason ay base dito:
- Ito ay malapit sa daungan ng barko.
- Ang lugar ay magandang tirahan at maayos.

Ang lokal na gobyerno ay pansamantalang inilipat sa Palo habang si Heneral Mojica at ang kanyang mga sundalo ay handa na para makidigma laban sa amerika. Noong ika-31 ng Enero 1900, dumating si Heneral Kohe at ang grupo ng mga amerikano para makipag-negosasyon upang matigil na ang putukan at ang pagsuko ng probinsya. Ngunit hindi siya sumuko. Sa sumunod na araw, sinalakay ng mga amerikano ang kuta ng mga Pilipino at pagsapit ng alas-dos ng hapon, ang probinsya ay nasa kamay na ng mga amerikano. Si Heneral Mojica at ang kanyang mga tauhan ay tumakas pupunta sa loob ng probinsya at tumagal sa paghahanap ang mga amerikano hanggang sa lahat ng rebolusyonaryo ay sumuko. Si Mojica at Lukban ay sumuko at si Kapitan Leon Rojas Sr. ay ang huling sumuko. Pinamunuan niya ang kanyang mga tauhan sa pagsuko sa pamamagitan ng pagsakay sa puting kabayo pupunta sa lugar na kung saan ang mga amerikano ay tinanggap sila ng matiwasay. Noong naging payapa na, si Rojas ay naging Hepi ng kapulisan sa Tacloban at isang grupo ng mga sundalong amerikano ang itinalaga sa kanyang pamamahala.

Noong Pebrero 1901, ang unang Gobernador ng Leyte ay si Col. Murray. Iisa lamang ang kanyang hinahangad: kaibiganin ang mga tao sa pamamagitan ng pagkuha ng kanilang tiwala. Sa kanyang sensiridad, binuksan niya ang Tacloban pupunta sa pandaigdigang kalakalan. Tumulong din ang lipunan at bumuo ng isang committee para sa kapayapaan. Si Don Gabriel Galza, na siyang bumuo ay naging unang presidente. Ang unang naging hakbang nila ay magpetisyon kay Gobernador Murray para palayain ang mga priso na nasa Tanauan, Leyte. Natanggap ng Gobernador ang petisyon at naging pabor naman ito sa kanya. At bumalik ang kapayapaan at kaayusan sa buong probinsya.

Nang ang mga amerikanong sundalo ang namuno ang mga Tacloban na sinanay sa panggobyerno ay siyang namuno sa administrasyon. Si Catalino Tarcela ang siyang naging unang gobernador ng probinsya. Mayroong iba na responsable sa pag-unlad at pag-angat ng Tacloban. Isa na doon ay si Lodovico Salazar, kilala sa rin bilang Kapitan Lodo, siya ang naging unang pampublikong guro ng probinsya (isang kalsada ang ipinangalan sa kanya). Lodovico Basilio, kilala rin bilang Kapitan Bigong at si Kapitan Martin Hidalgo. Sa mga kababaihan naman ay si Donya Eulalia Rubillos, asawa ni Gobernador Vicente Diaz na siyang nagwagayway ng unang bandilang pilipino nang naitupad ang rebolusyonaryong gobyerno.

Noong ika-24 ng Mayo 1942, namulat ang Tacloban sa pagdating mga hapon. Hindi lumaban ang mga tao sa kanilang pwersahang pananatili. Hindi humigit kumulang dalawang taon, ang Tacloban ay dumanas sa pagkagutom takot at pang-aapi ng mga dayuhan. Kahit sa panahon ng digmaan ang mga tao ay hindi nalimutan ang pagpapasalamat sa kanilang Santo, Sr. Santo Nino, nagdiwang sila ng kanilang fiesta. Isa itong komemorasyon noong fiesta noong ika-30 ng Hunyo 1843 kung saan isang industrial at agricultural ang diniwang sa lumang Leyte Park. Dito ang puot at galit sa digmaan ay nakalimutan, ito ang hindi malilimutang karnibal sa bayan na ginanap. Ang mayor noong panahong iyon ay si Vicente Quintero.

Sa pagbabalik ni Macarthur sa Pilipinas, Leyte ang unang nasa listahan niya. Noong ika-20 ng Oktubre 1944, habang kalmado at ang tubig ng Leyte Gulf, anim na barkong pandigma ang tumama sa baybaying-dagat ng Cataisan Point at sa kalapit na lugar. Bago mag-umaga, ang airstrip ng Tacloban na kung saan ay kanilang hangarin noong araw na iyon ay nasakop ng unang dibisyon. Ang buong Cataisan Peninsula ay di nagtagal nasa pamamahala ni Major General Verne D. Mudge noong ika-21 ng Oktubre, mga bandang alas-tres ng hapon. Ang araw na iyon ay napalaya ang Tacloban sa mga kamay ng kalaban. Ang mga sibilyang pilipino ay tinanggap ang mga sundalong amerikano sa pagkakalaya ng bayan.

Noong ika-22 ng Oktubre 19944 naibalik ang Tacloban sa kamay ng mga amerikano. Inanunsyo naman ni Heneral Macarthur ang establisyimento ng Philippine Civil Government sa harap ng provincial kapitol noong ika-23 ng Oktubre 1944. iniluklok niya si Sergio Osmena Sr. bilang presidente sa saksi rito sina Lt. General Walker Krueger, Lt. Gen. Richard Sutherland at si Col. Ruperto Kangleon kasama si First Lt. John Gregory at ang tatlungpung pagod pero respetadong mga sundalo. Pagkatapos ng liberasyon, ang unang iniluklok na mayor ng Tacloban ay si Paulo Jaor. At nang naitayo ang Republika ng Pilipinas nailuklok naman si Epifanio Aguirre bilang mayor ng Tacloban.

Noong ika-20 ng Hunyo 1952, naipatupad ang Republic Act no. 760, naipanganak ang syudad ng Tacloban. Si Dr. Ildefonso Cinco bilang ang huling mayor ng Municipality ng Tacloban ay ang unang naging mayor ng syudad.

Ang syudad ng Tacloban ay lumaki sa isang baryo ng Basey at hanggang sa naging sentro ng komersyo at industry, ito na marahil ang unang pinaka-importanting syudad sa Eastern Visayas.

Webmaster - © Copyright : Tarantula - programming for Tacloban City History