Ang syudad ng Tacloban ay ang pinakamalaking syudad at sentro ng rehiyon sa Eastern Visayas ng Pilipinas. Ito rin ay ang kapital ng Leyte. Ito ang sentro ng commerce, turismo, edukasyon, kultura at gobyerno sa rehiyon. Ang Tacloban ay makikita sa Cancabato Bay, na nasa San Juanico Strait na humihiwalay sa isla ng Leyte at ng Samar. Ayon sa 2000 census, ito ay binubuo ng 178,639 na populasyon at 34,758 na kabahayan.

Ang lokasyon ng Tacloban ay nasa puso ng Eastern Visayas or Region 08, nasa gilid naman ng northern-eastern ng Leyte ang Tacloban at ang pagigiging bukas nito sa pampublikong kalsada ay nagbigay daan sa komersyal, edukasyon, panggobyerno at political hub at pati narin ang mga pangturismong serbisyo sa rehiyon. Ang syudad ng Tacloban ay 360 miles southeast ng manila. Ang sukat nito ay kalahati sa buong Maharlika Highwayna tumatakbong pupunta sa Northern Luzon hanggang Southwestern Mindanao na sumasang-ayon naman sa mga manlalakbay na mahilig magbyahe.

Sa syudad ng Tacloban, matatagpuan dito ang mga nagkikislapang itim na buhangin ng mga baybaying-dagat, mabuti rin ang panahon at pati na rin ang mga tao dito. Para sa mga taong gusting subukan kahit ano, isang indoor na artificial rock climbing facility ang matatagpuan sa sentro mismo ng syudad. Mayroon ring kaming tennis, golf, billiards, mountains biking, rock climbing, mountaineering, kayaking, disco, karaoke at cockfighting. Dahil sa maraming suplay ng tubig na nakapalibot sa syudad, pwede rin dito mag-windsurfing at jet skiing. Para naman sa mga mahilig mag-scuba diving, ang mga dive sites ay ilang minuto lang ang layo patawid sa San Juanico Bridge pupunta sa misteryoso at magandang isla ng Samar. Matatagpuan rin dito ang Sohoton Caves na malapit sa Basey, Samar.

Ang tubig na nakapalibot sa syudad ay ang Panalaron Bay at Cancabato Bay. Ang nasa bandang eastern naman ay ang San Juanico Strait- na tinaguriang, ang pinakamakitid na pweding madaanan ng barko sa buong mundo. Ang nasa bandang southern naman ay ang San Pedro Bay na papuntang Leyte Gulf - ang karagatan na kung saan naganap ang pinakamalaking digmaang pandagat sa Pacific Theater noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang sukat ng syudad ng Tacloban ay 10,090 hectares, mapapansin dito ang bulubundukin, mga bundok at mga bangin. Parte ng syudad ay nasa peninsular geography. Ang lupa ng Tacloban ay may 3.05 meters ang taas kaysa sa taas ng level ng dagat.

Bilang isang sentro ng serbisyo ng lokal na tourism circuit, ang syudad ay may maraming convenience, supply at support facilities para sa mga bumibisita. Isa na dito sa mga interesanting bagay ay ang mga makasaysayang lugar na kung saan ay konektado sa mga pangyayari noong liberasyon ng Pilipinas.

Oo, kaming mga taclobanon ay tumatawag ng pansin sa aming syudad para sa inyong makasaysayang karanasan.

Webmaster - © Copyright : Tarantula - programming for Tacloban City Information