Ang jeepney ay isang pampublikong sasakyan na popular sa Pilipinas. Ang mga ito ay orihinal na gawa sa US military jeeps na iniwan noong Pangalawang Digmaang Pandaigdigan at kilala ito dahil sa magarbong dekorasyon at siksikan sa pag-upo.
Nang matapos ang pangalawang digmaan pandaigdigan umalis ang mga sundalong amerikano, daan-daan mga segundamano jeep ang ibinenta at yung iba ay binigay sa mga lokal na Pilipino. Binago nila ang mga sasakyan para marami ang makasakay na pasahero, linagyan nila ng bakal na bubong at mga linagyan nila ng mga dekorasyon at makukulay na pintura.
Ang jeepney ay mabilis na naging popular at inimbento bilang isang pampublikong sasakyan na hindi masyadong mahal, kung tutuusin ito ay nasira noong pangalawang digmaan pandaigdigan. Nang kilalanin ng karamihan ang paggamit ng pampublikong sasakyang, ang gobyerno ng pilipinas ay nagsimulang gumawa ng batas para sa paggamit nito. Ang mga drayber ay may kelangan magkaroon ng mga lisensya, regular na rota at reasonabling pamasahe.
Ang mga orihinal na mga jeep ay dating mga simple na ni renobasyo na mga sundalong sasakyan, ang mga modernong jeep ngayon ay ginagawa ng mga pribadong pagawaan na nasa Pilipinas. Sa isla ng Cebu, na nasa sentral ng Pilipinas, ang katawan ay ginagawa gamit ang segunda-manong trak ng hapon, na ang orihinal nito ay pang karga ng kargamento sa halip ay mga pasahero. Ito ay tinatawag na “segunda-manong” trak.