Ang jeepney ay hari ng kalsada at na iiba sa Pilipinas. Iba iba ang kulay, marahil ito ang pinaka exciting na sakyan sa timog silangn ng asya na pang pampublikong sasakyan.
Kapag ikaw ay bumisita sa Pilipinas at walang kang masakyan na taksi, bus o tren? Ito ang mga impormasyon sa pagsakay sa jeep.
una sa lahat, mag-iba ang taksi sa jeepney, ang jeepney ay hindi pumupunta sa eksatong destinasyon na gusto pwera lang kung an pupuntahan mo ay dinadaan ng rota ng jeepney. Libo-libong jeepney ang may kanya kanyang rota, sa ganoon ay dapat mong basahin ang mga karatula ng destinasyon na makikita sa may windshield ng jeep para malaman mo kung saan papunta ang jeepney.
Pangalawa, pagsakay mo sa jeepney, kelangan magdala ka ng barya kung maaari, wag kang magbayad ng malalaking halaga gaya ng 500 pesos or 1000 pesos dahil yung ibang drayber ay walang pagsukli lalo na sa umaga. Kung may meron kana man malaking halaga, dapat ay magbayad ka ng mas maaga para ito ay maipapalit sa malapit na istasyon ng gas. Ngayong 2008 ang pamasahe sa jeepney ay umaabot sa 7.50 pesos para sa unang 4 na kilometro at dagdag na piso para sa sobrang kilometro. May 20% na diskuwento para sa estudyante at senior citizen.
Pangatlo, pagmagbabayad ka ng pamasahe na walang konduktor at malayo ka sa drayber, ipasa mo lang ang pera sa katabi mo at sabihing “paki-abot o “bayad po” (means please pass my fare in tagalog language). Sa cebu ang sasabihin mo ay “palihog” (means please pass) or “pliti” na ang ibig sabihin ay pamasahe sa salitang Cebuano. At kung ikaw naman ay nasa Tacloban City na kung saan ang salita ay “waray” pede mung sabihin na “alayun” na ang ibig sabihin ay please or “pasahe” na ang ibig sabihin ay pamasahe. Ang katabi mo ang siyang magpapasa sa katabi niya hangat iyo ay mapunta sa drayber. Tandaan na laging magsabi ng “Salamat Po” na ibig sabihin ay Thank you.
Pang-apat. Taandaan na ang jeepney ay walang aircon so hindi ito masyadong komportable lalo na kung ma trapik.
At ang panghuli, pagdating mo sa iyong destinasyon, magsabi ka sa drayber na “para po” o “lugar lang po” at ang jeep ay titigil. Kung may tali sa kisame ng jeepney, hilahin lang ito at ito ay magbibigay ng sinyalis sa drayber ng jeep na huminto.