Ang jeep ay isang maliit na sasakyan pero malaki ang gamit, ito ay ginagamit ng mga militar ng iba’t ibang bansa. Ito ay unang ginamit ng mga Amerikanong Sundalo noong Pangalawang Digmaan Pandaigdigan (1939-1945). Ang Salitang jeep ay nagmula sa letrang G.P, na ang initial ay General Purpose na sasakyan. Ang salitang jeep ay nagmula sa isang pangmakinang sasakyan na isinunod sa military na jeep.
Ang Jeep ay maaasahan at matulin sa mga bako-bakong daan. Hindi lang ito pangkargo, ito rin ay pedeng gamitin na iba’t ibang armas, tulad ng masingga at maliit na bomba.
Ang pang military na jeep na Esdatos Unidos ay may haba na 11 na talampakan at 63 inches (160 centimetres) ang lapad. Ito ay may apat na gulong. Ang pinakamabilis ay aabot sa 65 milya (105 kilometro) kada oras ang jeep ay kaya magsakay ng 4 na katao. Kaya nitong hatakin ang kargo na may bigat na 1,200pounds (544 kilo).